Slot o Roulette – Saan Ilalagay Ang Iyong Swerte

Talaan ng Nilalaman

Para sa mga manlalaro na gustong subukan ang kanilang swerte sa paglalaro sa online casino, ang online slot at roulette ang kanilang dalawang pagpipilian. Ang dalawang larong ito ay nauugnay sa pag-papaikot at swerte. Ngunit, Ano nga ba ang larong nababagay na dapat subukan ng isang manlalaro? Para masagot ang katanungang ito tumutok sa artikulong ito ng Peso888. Ang lahat ng gusto mong malaman sa dalawang klaseng larong ito ay tatalakayin namin dito at pagkatapos ay maaari ka nang mamili kung anong laro ang nababagay sa iyo.

Pagkilala sa 2 Sikat na Laro ng Pagkakataon

Online Slots

Ang mga slot machine ay matagal nang umiiral sa mundo ng casino. Mula ng ito ay naimbento noong ika-19 na siglo malayo na ang nararating ng mga ito na ngayon ay makikita mo na sa iyong mga desktop at mobile device. Para manalo sa larong ito kailangan mo lamang makabuo ng isang hanay ng mga simbolo mula sa mga umiikot na reel. Ito ang isa sa itinuturing na madaling matutunan na laro sa mga online casino, ngunit para manalo dito kakailanganin mo ng purong swerte dahil ang laro ay walang mga diskarte para makasigurado ng iyong panalo.

Ang mga online slot ay maraming iba’t ibang mga tema at paraan para manalo. Para lubos mong maunawaan kung paano gumagana ang mga slot machine kakailanganin mo ng kaunting pagbabasa para ito ay maunawaan. Kaya naman ipapakita sa iyo ng Peso888 kung paano ito gumagana:

  • Ang mga resulta ng online slot ay tinutukoy ng Random Number Generator (RNG) isang computer software na lumilikha ng iba’t ibang numero para maging resulta ng laro na ginagawang patas at hindi madadaya ang mga laro.
  • Walang diskarte ang mag gagarantiya ng iyong 100% panalo.
  • Para maglaro kailangan mo pumili kung magkano ang iyong itataya at ilang payline ang iyong lalaruin. Tip: Masmahusay na maglaro ng maraming payline para tumaas ang pagkakataon manalo, ngunit ito ay nangangailang ng malaking taya.
  • Pag nagawa nang pumili ng payline at tumaya maaari nang pindutin ang Spin button para mag simulang umikot ang mga reel.
  • Ang magiging resulta ng laro ay kapag tumigil na ang mga reel. At kung nagawa mong makakuha ng mga magkakatugmang simbolo base sa payline ikaw ay mananalo.

Mula sa iba’t ibang mga slot maaari silang mag alok ng iba-ibang mga bonus play at spin para makapagdagdag ng excitement sa laro. mahusay na subukang ang mga online slot bago gumamit ng totoong pera. Maaari mo gamitin ang demo mode sa Peso888 kung ikaw ay nakaregister sa aming site. Ang aming mga demo mode ay nagsisilbing training ground para sa gustong subukan ang masayang laro ng online slot.

Online Roulette

Kumpara sa online slot, ang online roulette ay mukhang mas kumplikado sa unang tingin dahil sa mga uri ng taya na maari mong gawin. Ngunit kapag ito ay lubos mo nang naunawaan ito ay madali na lang laruin. Ang dalawang taya na kailangan maunawaan ay ang mga Inside at Outside Bet. Para manalo sa laro kailangan mo lang piliing kung saan mapupunta ang bola. Ano ang lalabas na numero, mga hanay ng numero, kulay, odd o even, o mataas o mababang numero. Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa roulette bago mo subukan ang iyong kamay dito:

  • Ang Paglalagay ng taya sa mga Outside Bets ay nagbibigay sa iyong ng posibilidad na madalas na mababang panalo. Samantala ang mga Inside Bets ay mas mataas na panganib na taya ngunit mas mataas ang mga panalo.
  • Ang roulette ay may dalawang uri ang American at European. Ang paglalaro sa American roulette ay mas mataas ang house edge kumpara sa European na bersyon dahil ito ay may double zero (00) sa gulong.
  • Ang mga payout sa larong roulette ay mas mababa kung ihahanlintulad sa online slot.
  • Ang paglalaro ng live roulette ay magbibigay sa iyo ng pakiramdam na para kang nasa isang totoong casino.

Mas Mahusay na Odds

Ang parehas na laro ay may iba’t ibang sukatan para malaman kung gaano kalaki ang kalamangan ng bahay sa bawat laro. Para sa mga slot machine ang Return to Player rate (RTP) ang sukatan para malaman kung magkano ang mababalik sa manlalaro pagkalipas ng ilang mga spin sa slot. Samantala ang house edge naman ang sa Roulette na madaling malaman sa pamamagitan lamang sa pagtingin sa mga bersyon nito. Ang European ay may 2.70% at ang American ay may 5.26% dahil sa dagdag na double zero sa gulong nito.

Mas Mahusay na Payout

Kung ipagkukumpara ang ang mga payout ng parehas na laro. Sa roulette ang pinakamataas na payout ay nagmumula sa straight bet na may 35:1 payout. Na mababa para sa mga panalo na maiaalok ng online slot. Ang mga slot ay maaaring mag alok ng malalaking premyo mula sa kanilang mga bonus round, multipliers at mga jackpot, hindi pa kasama ang tinatawag na progressive jackpot na mahirap tamaan. Masasabi natin na ang slot ang talagang nag bibigay ng mataas na panalo. Ngunit ang roulette ay maaaring magbigay ng madalas na maliliit na panalo.

Iba’t-ibang Laro

Para sa mga manlalaro, ang paulit-ulit na paraan ng paglalaro ay maaring maging dahilan para mawala ang pagkahumaling nito sa laro. Para sa mga laro ng roulette ito ay may 3 uri ng anyo; Ang American, European at French. Marahil ang mga ito ay mga pagkakaiba na hindi naman nagkakalayo sa paraan ng paglalaro. Kapag natutunan mo na kung paano ito laruin at malaman ang pagkakaiba mapagtatanto mo na paulit-ulit lamang ang iyong ginagawa sa laro na nagiging dahilan para sumubok ang mga manlalaro nito ng ibang laro.

Para naman sa mga online slot parami ng parami ang mga uri na nailalabas nito sa merkado. Ang mga slot ay maaaring maglabas ng mga bagong tema at paraan para manalo sabayan pa ng mga magagandang graphics na nagdadag para gawing nakakahumaling ang paglalaro nito. Ngunit sapat na ba ito para maging kaakit-akit ito para sa manlalaro? lalo na kung alam mo na mabilis lang nito mauubos ang iyong bankroll dahil sa kinakailangan na laki ng taya para manalo ng malaki sa laro.

Piliin ang Laro Base sa Iyong Personalidad

Ang bawat manlalaro ay may kanya-kanyang gusto. May ilan sa mga ito gusto ang hamon ng pag-iisip at diskarte samantala ang iba ay gusto lamang maghintay ng isang resulta at manalo ng malaki. Ang parehas na laro ay nababagay sa mga baguhan dahil sa mga simpleng panuntunan nito na madaling maintindihan. Sa kabilang banda ang paglalaro sa roulette gamit ang ilang diskarte ay maghahatid sa iyo ng pagkakataon manalo. Sa online slot naman maari kang tumaya gamit ang maliit na halaga at manalo ng malaki ang kailangan mo lamang ay si lady luck.

Ano Ang Gusto Mo?

Ngayon napaliwanag na ng Peso888 ang ilang sa mga dapat mo malaman nasa iyo na ang desisyon kung anong laro ang iyong pipiliin sa slot at roulette. ang iba ay gusto ng malaking panalo ang iba naman ay gusto ang mataas na posibilidad na manalo. Ang pag dedesisyon ay kung ano ang papatok sa iyong panlasa at kagustuhan. Sa huli ang parehas na laro ay mahusay na laruin.

Laruin ang Dalawang Mahusay na Laro

Kung ikaw ay hindi makapili maaari mong laruin ang parehas na sikat na laro sa Peso888. mag-register lamang sa aming online casino website at maaari mo nang ma-access ang aming daan-daang online slot at online roulette. Kung hindi ka pa kumpyansa sa paglalaro gamit ang totoong pera maaari mong subukan ang mga ito sa aming demo mode kung saan maaari mong matutunan kung paano tumatakbo ang laro at mga panuntunan nito. Nilikha din ang mode na ito para masubukan ang ilang mga diskarte sa iyong paglalaro.

Ang Peso888 ay nag-aalok din ng iba’t ibang mga laro bukod sa mga slot at roulette. kami ay nag aalok din ng iba’t ibang mga card game katulad ng Baccarat, Blackjack at Poker at mga table games katulad ng fishing, craps, at marami pang iba. 

FAQ

Maari ka maglaro ng Roulette sa Peso888 at tamasahin ang mga benepisyo na handog nito.

Bumisita lamang sa website ng Peso888 at gumawa ng account at maglog in rito upang makapaglaro ng online casino games.

You cannot copy content of this page