Paroli Betting System: Gabay sa Paggamit Nito

Talaan ng Nilalaman

Ang Paroli Betting System ay isa sa mga sikat na betting strategy na ginagamit sa mga casino o sa pagsusugal. Ito ay ginagamit sa mga laro sa casino katulad ng blackjack, roulette, baccarat at craps kung saan ang bawat resulta ng laro ay may halos 50/50 pagkakataon manalo o nag babayad ng 1:1 sa tuwing ikaw ay mananalo. Sa artikulong ito ng Peso888 aalamin natin kung paano gumagana ang diskarteng ito at paano ito nakakatulong sa isang manlalaro.

Sa diskarteng ito kailangan ng manlalaro na magtaas ng taya sa tuwing siya ay mananalo at babalik naman sa pangunahing taya kung siya ay matatalo. Kung iyong mapapansin ang diskarteng ito ay may pagkakatulad sa Martingale system ngunit ito ay kabaliktaran ng paraan nito. Para lubos pa natin itong maunawaan ipagpatuloy ang pagbabasa.

Paano Gumagana ang Paroli System?

Katulad ng nabanggit ng Peso888 ang Paroli System ay gumagana sa pamamagitan ng pag doble ng laki ng iyong taya sa tuwing ikaw ay mananalo. Ang sistemang ito ay idinesenyo para magamit sa mga laro na may taya na may pantay na pagkakataon na manalo at matalo bilang halimbawa sa larong roulette ang taya sa Red/Black, sa larong craps ang Pass/Don’t Pass at sa larong baccarat kung saan mamimili ka sa pagitang ng Banker at Player. Ang mga taya na ito ay may payout na 1:1 na mahusay para sa diskarteng ito.

Ang Paroli system ay katulad ng ilang mga diskarte katulad ng Fibonacci, Martingale at D’Alembert. Ang diskarteng ito ay mas agresibo kumpara sa iba pang mga diskarte, dahil kailangan mong doblehin ang iyong taya sa tuwing ikaw ay matatalo, walang paghabol sa mga taya na iyong natatalo. Para mas maging epektibo ang paggamit nito, ang pagkakapanalo ng tatlong sunod-sunod ay sapat na para bumalik sa itinakdang pangunahing taya.

Mahalaga ang pagtatakda ng bankroll bago magsimula maglaro. Ang bankroll ay ang iyong itinakdang pera na gagamitin mo sa iyong paglalaro. Ikaw ay dapat handa sa pagkakataon na mawala ito. Mula sa itinakdang bankroll kumuha ng ilang porsyento na magsisilbing iyong base unit. Bilang halimbawa ang base unit ng iyong taya ₱20. Para sa buong detalye tignan ang aming halimbawa sa ibaba:

TAYA

RESULTA

BALANSE

₱20

TALO

-₱20

₱20

PANALO

0

₱40

PANALO

₱40

₱80

PANALO

₱120

₱20

TALO

₱100

₱20

TALO

₱80

₱20

PANALO

₱100

Kung iyong titignan ang manlalaro ay nanalo sa 3 sunod-sunod na pagkakataon kaya siya ay bumalik sa kanyang pangunahing taya na ₱20 at nang nakaranas siya ng pagkatalo nananatili siya sa kanyang pangunahing taya. Ganito gumagana ang Paroli System.

Iba’t ibang Laro Gamit ang Paroli System

Roulette at Paroli System

Ang roulette ay ang laro na nababagay sa paggamit ng Paroli System dahil may mga taya ito na maaaring gamitan ng ganitong diskarte. Ang ilan sa mga taya na ito ay ang Pula/Itim, Odd/Even at 1-18/19-36. Ang mga tayang nabangit ay nagbibigay ng patas na pagkakataon at nagbabayad ng 1:1 sa tuwing mananalo.

Blackjack at Paroli System

Ang Paroli System ay isa sa pinakasimpleng sistema ng pagtaya kapag naglalaro ng blackjack. Ang iilan sa gumagamit nito ay naniniwala na ito ay may malaking potensyal na kumita ng malaki. Ang sistema ay perpekto para sa mga manlalaro na naghahanap ng isang ligtas na paraan ng pagtaya o may maliit na halaga para sa paglalagay ng mga taya. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagdoble ng taya sa tuwing ikaw ay mananalo at bumalik sa pangunahing taya pag natatalo. Ang larong blackjack ay nagbabayad ng 1:1 sa ilang mga panalong kamay kaya ang sistema na ito ay nababagay sa blackjack.

Baccarat at Paroli System

Ang paggamit ng Paroli System sa Baccarat ay simple. Katulad sa ibang mga laro mag set ka ng paunang taya at gamitin ito sa pagtaya sa isa sa mga kamay sa baccarat (Player o Banker). Kung ikaw ay tatama doblehin ang iyong taya at kung matalo na naman manatili dito. Kung makakuha ka ng 3 sunod-sunod na panalo inirerekomenda na bumalik na sa paunang halaga ng taya. Gayunpaman, ang paggamit ng sistemang ito sa pagtaya sa Tie bet ay hindi inirerekomenda.

Paroli System Pros at Cons

Pros

Ang Paroli betting system ay nagbibigay pagkakataon sa iyo na palakihin ang mga kita sa pamamagitan ng pag dodoble ng taya sa panahon ng isang sunod-sunod na panalo at mas kaunti sa panahon ng pagkatalo. Ang iyong malalaking taya ay nagmumula sa iyong napanalunan. Higit sa lahat, hindi ito nangangailangan ng napakalaking bankroll.

Cons

Ang mga resulta ng pagsusugal ay batay lamang sa pagkakataon, at walang garantiya na ang iyong mga sunod-sunod na panalo ay sapat na mababawi ang iyong mga natalo. Ito ang dahilan kung bakit madalas na nabigo ang mga sistema ng pagtaya katulad ng Paroli. Gayunpaman ang paggamit ng ganitong sistema ay mas mahusay kung ikukumapara sa mga pampaswerte at umaasa sa chamba.

Konklusyon

Ang mga sistema ng pagtaya katulad ng Paroli ay maaaring mag-alok ng istraktura at gawing organisado ang iyong paglalaro na maaaring maghatid ng panalo sa maikling panahon. Gayunpaman, mahalagang alam mo ang iyong mga limitasyon at panganib sa paggamit nito. Ang mga laro sa casino ay nakabatay sa pagkakataon at walang garantiyang mananalo ng pangmatagalan. Mahalaga ang pagiging responsable at ituring ang paglalaro bilang kasiyahan.

Sumali sa Peso888 at Manalo Habang Nagsasaya

Maraming mga tips ang iyong matutununan sa pagbabasa ng mga artikulo na aming ginawa sa aming website sa Peso888 Online casino. Marami kang mababasa na gabay sa paglalaro ng laro na gusto mo. Nahuhumaling ka ba sa pag papaikot ng reel ng slot, tingin mo ba ay masuwerte ka? Bat di mo subukan ang roulette o craps. Gamitin ang iyong kasanayan sa paglalaro ng mga baraha katulad ng blackjack, baccarat o poker. Manalo habang nanunuod ng sports na gusto mo sa pamamagitan ng pagtaya dito. Anu pang hinihintay mo? Bisitahin na ang aming website at mag register!

Karagdagang Artikulo sa Roulette:

You cannot copy content of this page